| English Ito ang unang kabanata ng unang aklat ng Bibliya. Ito, kasama ang pangalawang kabanata, ang tanging pinagkuku...
Ito ang unang kabanata ng unang aklat ng Bibliya. Ito, kasama ang pangalawang kabanata, ang tanging pinagkukunan ng kaalaman ng mga Kristiyano tungkol sa pinagmulan ng tao at ng iba pang buhay sa mundo.
Hindi ito napatunayan at walang pinagkaiba sa ibang alamat ng pinanggalingan ng tao kagaya ng kwentong "Si Malakas at Si Maganda". Heto at suriin natin ang katotohanan sa natatanging ebidensiya na mayroon ang mga naniniwala sa kwentong ito.
1 Nang pasimula ay nilikha ng Dios ang langit at ang lupa.
2 At ang lupa ay walang anyo at walang laman; at ang kadiliman ay sumasa ibabaw ng kalaliman; at ang Espiritu ng Dios ay sumasa ibabaw ng tubig.
3 At sinabi ng Dios1 Magkaroon ng liwanag; at nagkaroon ng liwanag.
At nakita ng Dios ang liwanag na mabuti, at inihiwalay ng Dios ang liwanag sa kadiliman.
5 At tinawag ng Dios ang liwanag na Araw, at tinawag niya ang kadiliman na Gabi. At nagkahapon at nagkaumaga ang unang araw2.
1Sino o ano ang kinakausap ng Diyos?
2At saka ginawa na niya ang liwanag na hindi pa niya ginawa ang araw.
Paano nagkaroon ng hapon at umaga kung wala pa ang araw?
6 At sinabi ng Dios4, Magkaroon ng isang kalawakan sa gitna ng tubig, at mahiwalay ang tubig sa kapuwa tubig.
7 At ginawa ng Dios ang kalawakan, at inihiwalay ang tubig na nasa ilalim ng kalawakan, sa tubig na nasa itaas ng kalawakan3: at nagkagayon.
8 At tinawag ng Dios ang kalawakan na Langit. At nagkahapon at nagkaumaga ang ikalawang araw.
3Ito ang konsepto ng mundo ng mga Hebreo, ang tribu na sumulat ng Lumang tipan.
9 At sinabi ng Dios4, Mapisan ang tubig na nasa silong ng langit sa isang dako, at lumitaw ang katuyuan, at nagkagayon.
10 At tinawag ng Dios ang katuyuan na Lupa, at ang kapisanan ng tubig ay tinawag niyang mga Dagat: at nakita ng Dios na mabuti.
11 At sinabi ng Dios4, Sibulan ang lupa ng damo, pananim na nagkakabinhi, at punong kahoy na namumunga ayon sa kaniyang pagkakahoy5, na taglay ang kaniyang binhi sa ibabaw ng lupa, at nagkagayon.
12 At ang lupa ay sinibulan ng damo, pananim na nagkakabinhi, ayon sa kaniyang pagkapananim, at ng punong kahoy na namumunga, na taglay ang kaniyang binhi, ayon sa kaniyang pagkakahoy, at nakita ng Dios na mabuti.
13 At nagkahapon at nagkaumaga ang ikatlong araw.6
4May kinakausap ang Diyos? Nakapagtataka. Para bang Harry Potter lang na kailangan bigkasin ang mga spells. Kwentong mahika.
5Sa ikatlong araw, ginawa ng Diyos ang mga halaman, na wala pang Araw.
6Isa pang tanong sa lohika ng kwento na ito ay paano nagkaroon ng "ikatlong araw" kung ang Araw ay hindi pa nagawa?
14 At sinabi ng Dios4,
Magkaroon ng mga tanglaw sa kalawakan ng langit upang maghiwalay ng araw sa gabi7; at maging pinakatanda, at pinakabahagi ng panahon, ng mga araw at ng mga taon:8
15 At maging pinakatanglaw sa kalawakan ng langit, upang tumanglaw sa ibabaw ng lupa: at nagkagayon.
16 At nilikha ng Dios ang dalawang malaking tanglaw; ang malaking tanglaw ay upang magpuno sa araw, at ang maliit na tanglaw ay upang magpuno sa gabi: nilikha rin niya ang mga bituin.
17 At mga inilagay ng Dios sa kalawakan ng langit, upang tumanglaw sa ibabaw ng lupa,
18 At upang magpuno sa araw at sa gabi, at upang maghiwalay ng liwanag sa kadiliman: at nakita ng Dios na mabuti.
19 At nagkahapon at nagkaumaga ang ikaapat na araw.
7Hindi ba pinaghiwalay na niya ang araw sa gabi sa bersikulo 4?
8Kung ang mga tanglaw na Araw at Buwan ang pinakatanda ng mga araw, paano nabilang ang mga nakalipas na mga panahon at naging ikaapat na araw na ngayon, kakagawa lang ng Araw 'di ba?
Nakapagtataka lang kung paano "nagkahapon at nagkaumaga" ng tatlong beses na sa araw pa lang na ito ginawa ang Araw.
20 At sinabi ng Dios4, Bukalan ng sagana ang tubig ng mga gumagalaw na kinapal na may buhay, at magsilipad ang mga ibon sa itaas ng lupa sa luwal na kalawakan ng himpapawid.
21 At nilikha ng Dios ang malalaking hayop sa dagat, at ang bawa't may buhay na kinapal na gumagalaw, na ibinukal na sagana ng tubig, ayon sa kanikaniyang uri at ang lahat na may pakpak na ibon, ayon sa kanikaniyang uri9: at nakita ng Dios na mabuti10.
22 At mga binasbasan ng Dios, na sinabi, Kayo'y magpalaanakin, at magpakarami, at inyong punuin ang tubig sa mga dagat, at magpakarami ang mga ibon sa lupa.
23 At nagkahapon at nagkaumaga ang ikalimang araw.
9Dito naging maliwanag kung paano hindi sang-ayon sa siyensiya ang Bibliya kung iintindihin ito ng letra por letra. Dahil ito'y salungat sa pagkatuklas sa siyensiya.
10Nakita ng Diyos ang mga ginawa niya na mabuti, ngunit sa mga susunod na kabanata ay pagsisisihan niya ang mga ito.
24 At sinabi ng Dios, Bukalan ang lupa ng mga may buhay na kinapal, ayon sa kanikaniyang uri ng hayop at ng mga kinapal na umuusad, at ng mga ganid sa lupa, ayon sa kanikaniyang uri: at nagkagayon.
25 At nilikha ng Dios ang ganid sa lupa ayon sa kaniyang uri, at ang hayop ayon sa kaniyang uri, at ang bawa't umuusad sa ibabaw ng lupa ayon sa kanikaniyang uri: at nakita ng Dios na mabuti10
.26 At sinabi ng Dios, Lalangin natin ang tao sa ating larawan, ayon sa ating wangis: at magkaroon sila ng kapangyarihan sa mga isda sa dagat, at sa mga ibon sa himpapawid, at sa mga hayop, at sa buong lupa, at sa bawa't umuusad, na nagsisiusad sa ibabaw ng lupa.
27 At nilalang ng Dios ang tao ayon sa kaniyang sariling larawan, ayon sa larawan ng Dios siya nilalang; nilalang niya sila na lalake at babae11.
28 At sila'y binasbasan ng Dios, at sa kanila'y sinabi ng Dios, Kayo'y magpalaanakin, at magpakarami, at kalatan ninyo ang lupa, at inyong supilin; at magkaroon kayo ng kapangyarihan sa mga isda sa dagat, at sa mga ibon sa himpapawid, at sa bawa't hayop na gumagalaw sa ibabaw ng lupa12.
29 At sinabi ng Dios, Narito, ibinigay ko sa inyo ang bawa't pananim na nagkakabinhi, na nasa ibabaw ng balat ng lupa, at ang bawa't punong kahoy na may bunga ng punong kahoy na nagkakabinhi; sa inyo'y magiging pagkain13:
30 At sa bawa't hayop sa lupa, at sa bawa't ibon sa himpapawid; at sa bawa't nagsisiusad sa ibabaw ng lupa na may buhay ay ibinigay ko ang lahat na pananim na sariwa na pinakapagkain; at nagkagayon.
31 At nakita ng Dios ang lahat ng kaniyang nilikha, at, narito, napakabuti.10 At nagkahapon at nagkaumaga ang ikaanim na araw.
11Kung nilalang ng Diyos ang tao ayon sa kaniyang larawan, nilalang niya sila na lalake at babae, hindi ba ang ibig sabihin niyan ay lalake at babae ang Diyos?
12Hindi naman ito nangyari dahil ayon sa mga data at katotohanan base sa ating obserbasyon, madaming mga hayop ang nalipol na lang milyong taon na ang lumipas bago pa man nabuhay ang mga tao.
13Salungat sa sinabi ng Diyos dito, may ipinagbawal siyang puno sa susunod na kabanata.
Kung binasa niyo ang buong kabanata, mapapansin ninyo na pawang kwento lamang ito na walang pinagkaiba sa ibang alamat ng pinagmulan na gawa ng ibang kultura noong sinaunang panahon. Ngunit ang mga naniniwala sa kwentong ito ay masugid na nakikipagtalo sa maka-agham na teorya ng ebolusyon. Maghahanap sila ng ebidensiya at pagpapatunay kahit na laganap ang mga impormasyon nito sa Internet, tinuturo sa mga kolehiyo at unibersidad. Ang teoryang ito ang basehan ng biology sa kasalukuyan.