Bilog Nga Ba Ang Mundo Ayon Sa Bibliya? | English Iginigiit ng ilang Kristiyano, partikular na ang ...
Iginigiit ng ilang Kristiyano, partikular na ang mga sekta na naniniwala sa Sola Scriptura, na ang Bibliya ay may lubos na kaalaman sa reyalidad at katotohanan tungkol sa mundo. Sa mga post tulad nito ay ating susuriin ang katotohanan sa likod ng claim na ang Bibliya ay perpektong talaan ng salita ng diyos ng Kristiyanismo.
Giit ng mga Kristiyanong naniniwala sa Bible Inerrancy, naisulat na sa Bibliya na ang mundo daw ay bilog, salungat sa mga paniniwala ng mga tao sa panahong sinauna na ang mundo ay patag o flat. Madalas itong ginagamit sa paggiit na ang Bibliya ay mayroong kaalaman na advanced, mga kaalamang hindi alam ng mga tao sa panahong naisulat ito. At dahil sa advance na kaalaman katulad nito, ikinatwiran ng mga Kristiyano na ang Bibliya ay produkto ng isipan ng Diyos, na siyang nakakaalam ng lahat. At isa nga sa mga "foreknowledge" at advanced knowledge na ito ay ang totoong hugis ng mundo.
Totoo bang ayon sa Bibliya, ang mundo ay bilog? Anong nakasulat sa Bibliya tungkol sa totoong hugis ng mundo?
Ayon Sa Bibliya!
Basahin natin ang bersikulo na tinuturing na advanced knowledge ng mga Kristiyano.
Basahin natin sa ibang mga bersiyon.Siya ang nakaupo sa balantok ng lupa, at ang mga nananahan doon ay parang mga balang; siyang naglaladlad ng langit na parang tabing, at inilaladlad na parang tolda upang tahanan;
He sits enthroned above the circle of the earth, and its people are like grasshoppers. He stretches out the heavens like a canopy, and spreads them out like a tent to live in.
It is He who sits above the circle of the earth, And its inhabitants are like grasshoppers, Who stretches out the heavens like a curtain, And spreads them out like a tent to dwell in..
God sits above the circle of the earth. The people below seem like grasshoppers to him! He spreads out the heavens like a curtain and makes his tent from them.
Siya ang nakaupo sa balantok ng lupa, at ang mga nananahan doon ay parang mga balang; siyang naglaladlad ng langit na parang tabing, at inilaladlad na parang tolda upang tahanan;
Kung babasahin nating mabuti, wala ditong nagsasabi sa atin na ang hugis ng mundo ay bilog. Ang pariralang "above the circle of the earth" ay hindi nagsasabi kung ano ang hugis ng mundo. Pero bakit ito ginagamit at ginigiit na pagpapaunay daw na nasa Bibliya dati pa ang totoong hugis ng mundo? Hindi ko alam. Siguro sa pagkadesperado ng mga naggigiit na makapagbigay ng bersikulo kahit malabo, ginamit nila ito kahit na hindi naman ito sumusuporta sa kanilang layon.
Alam ni propetang Isaias na "bilog" ang mundo!
May mga Kristiyano na nakikipagtalo na paano daw nalaman ni Isaias na ang hugis ng mundo ay bilog na walang gamit na kahit na anong instrumento.
Liban sa nalaman ni Eraosthenes ang hugis at sukat ng mundo gamit lamang ang araw at mga anino, mali ang pahayag na alam ni Isaias na bilog na parang bola ang mundo. Sa Isaias 40:22, hindi sinabi ni Isaias na bilog na parang bola ang mundo. Inilalarawan lamang niya kung saan nakaupo ang kanyang malaking diyos. Pero fine. Whatever. Sabihin na nating tama sila at talaga ngang naglalarawan ng hugis ng mundo ang bersikulong ito.
Kahit na sabihin na natin na ang nabanggit na bersikulo ay naglalarawan nga ng hugis ng mundo, "balantok" o "circle" ang ginamit niyang salita. Sa basic geometry, malalaman natin na ang "circle" at "sphere" o bola ay magkaiba. Flat at 2-dimensional ang circle, ang sphere o bola naman ay 3-dimensional. Kaya base sa bersikulo na ito, ang mundo ay patag, flat, na parang piso. Dahil kung ang mundo ay balantok o circle, ang ibig lang sabihin nito, flat ang mundo na hugis barya.
"Walang salitang "sphere" sa Lumang Hebrew!"
Hindi ako marunong magsalita o magbasa ng Hebrew, at mas lalo na ng Lumang Hebrew. Pero naiintindihan ko kung ganito nga na walang salita para sa "sphere" na pwedeng gamitin ni Isaias. Katulad din 'yan sa salitang Tagalog, ang salitang "circle" at "sphere" ay parehong 'bilog' ang salin. Kaya kahit alam man niya na sphere ang totoong hugis ng mundo, ng isinulat na niya ang "katotohanang" ito, 'bilog' lang ang gagamitin niyang salita dahil limitado siya sa bukabularyo ng wika niya (na siya namang dahilan para matanong natin kung paano naprepreserba ang lubos na katotohanan mula sa isipan ng diyos papunta sa isipan ni Isaias, at ganon din mula kay Isaias papunta sa mga bumabasa sa mga sinulat niya).
Fine. Walang ibang salita para sa "sphere" sa lumang Hebrew.
Sa Isaiah 22:18, ito ang sinulat niya:
He will surely violently turn and toss thee like a ball into a large country:
Oh, marunong naman pala si Isaias maglarawan ng "sphere". Gumamit siya ng paglalarawan na "like a ball". Basahin natin sa Tagalog:
Tunay niyang papipihit-pihitin at itatapon ka na parang bola sa malaking lupain;
Kung talagang ang nasa isip ni Isaias na parang bola ang hugis ang mundo at hindi circle na flat, bakit hindi niya ito ginamit ng sinusulat niya ang 40:22? Bakit "cicle" ang ginamit niya?
Ang nakapagtataka lang, mismong mga Hebrew, ay flat din ang kanilang pagkaunawa sa hugis ng mundo.
Patag ang mundo ayon sa Bibliya. Kaya nga may mga tao pa rin ngayon na naniniwalang ang mundo ay patag at hindi bilog na parang bola dahil ito ang nakasulat sa Bibliya.
Basahin natin.
Muling dinala siya ng diablo sa isang bundok na lubhang mataas, at ipinamalas sa kaniya ang lahat ng mga kaharian sa sanglibutan, at ang kaluwalhatian nila
Sa bersikulo na ito, maiintindihan natin na flat ang mundo ayon sa Bibliya, at hindi bilog na parang bola. Kung bilog na parang bola ang mundo, kahit gaano pa kataas ang bundok na pinagdalhan ni Satanas kay Hesus, imposibleng makita nila ang lahat ng kaharian. Kahit pa siguro pataasin pa natin ang bundok hanggang sa buwn, o kaya ilipat na lang natin si Hesus at ng diablo sa buwan, hinding-hindi nila makikita ang lahat ng kaharian dahil imposible na makita nila ang likod ng mundo. Liban na lang kung ang mundo ay patag. Ang bersikulo na ito ay magkakaroon lang ng sense kung ang mundo ay patag.
Ganito din ang mababasa sa aklat ni Daniel:
Ganito ang mga pangitain ng aking ulo sa aking higaan, Ako'y tumitingin, at narito, ang isang punong kahoy sa gitna ng lupa, at ang taas niyao'y di kawasa. Ang punong kahoy ay lumaki, at tumibay, at ang taas niyao'y umaabot hanggang sa langit, at ang tanaw niyaon hanggang sa wakas ng buong lupa."
Kahit pa gaano kataas ang langit at abot ng dulo ng punong ito, hindi ito makikita sa wakas ng buong lupa. Kaya nasa alinman sa dalawang ito ang pagpipilian nila:
- Bilog na parang bola ang mundo at mali ang Bibliya
- Tama ang Bibliya at patag ang mundo
So alin sa dalawa?
Hanggang dito na lang po muna. 'Wag kalilimutang maging mapang-usisa at tanungin ang lahat ng bagay.