Page Nav

HIDE

Grid

GRID_STYLE

Latest Posts:

latest

Bro. Eli Soriano vs Atheist "Debate" (E003)

Luma Ang Bibliya Ergo Totoo Mga Nakasulat Dito | English Magandang araw sa inyo mga kababayan! Heto...

Luma Ang Bibliya Ergo Totoo Mga Nakasulat Dito


| English

Bro. Eli Soriano vs Atheist Debate Episode 3


Magandang araw sa inyo mga kababayan! Heto na naman tayo sa ating serye tungkol sa video ng Ang Dating Daan (Members Church of God International na ngayon) na pinamagatang “Bro. Eli Soriano vs Atheist Debate (daw kuno). Sa nasabing video, sinabi ni Bro. Eli Soriano,

Bibigyan kita ng ideya kapatid kung bakit ako naniniwala sa diyos. Naniniwala ka siguro at dapat mong maniwala, you are duty-bound, you are obliged to believe na sa mundo ngayon mayroon tayong mga existing manuscripts, that have existed for the last 1600 years. Isa diyan ‘yong tinatawag nating mga manuscripts ng Bibliya na kung tawagin ngayon ay Codex Sinaiticus.

Ang pinag-uusapan dito ay kung bakit naniniwala si Bro. Eli Soriano na may diyos. Pero mapapansin ninyo na walang kabuluhan sa tanong ang sagot niya. Walang kaugnayan ang dahilan ng paniniwala ni Bro. Eli Soriano kung maniniwala ang sino man kung may lumang dokumento ba o wala. Ipagpatuloy nating pakinggan sagot niya...

It was written by our hand in the 4th century of our Common Era. If you are an atheist you believe in science. You believe in science. And the science of carbon dating determines the undetermined age of artifacts, mga records ng fossils, et cetera. At wala namang pagtatalo, we have documents on earth that have existed way back 1900 years ago. I will show you one. Doon sa isang museo, kung gusto mong puntahan, para maniwala ka, siguro maniniwala ka naman eh, meron tayong mga records ng napakatatandang records sa mundo. Ito ‘yong sinasabi ko, a fragment of the gospel of John which according to scientific studies existed in the year 120-150 CE. Pakibasa mo nga ‘yon, kapatid na Daniel.

Ano ang gusto ipahiwatig dito ni Bro. Eli Soriano? Na dahil luma ang Bibliya, ay totoo na ang mga nakasulat dito? Ano ngayon kung luma ang Bibliya? Mayroon pang maraming mga sulat-kamay ang mga sinaunang tao na mas matanda pa sa Bibliya ng ilang daan o libong taon. Isang halimbawa dito ay ang Epic of Gilgamesh at Enuma Elish. Parehong mas matanda pa kaysa sa Bibliya. Kung gagamitin natin ang pangangatwiran ni Bro, Eli Soriano, dapat din siyang maniwala dahil doon sa maraming museo sa mundo, may mga documents on earth din tayo that have existed way back 3000 years ago. Kung gusto niyang puntahan, para maniwala siya at ang mga tagasunod niya, mayroon tayong mga records ng napakatatandang records sa mundo. Kung gusto ninyo malaman, at para maniwala kayo, click niyo lang link ng British Museum tungkol sa Enuma Elish at Epic of Gilgamesh. Ang dalawang mga documento ay parehong mas luma pa sa Bibliya, at bagkus, may mga pagkakaparehas pa ang mga ito sa kwentong mababasa sa Genesis tungkol sa paglalang (Creation story) at ang Baha (The Great Flood). Tama, kung naisip ninyo, ano ang posibleng nangyari dito: kung may pagkakapareha ang Bibliya sa mga documento ng Enuma Elish at Epic of Gilgamesh. May kumopya sa kwento. Alin naman kaya ang nangopya? Ang Bibliya na ayon kay Bro. Eli Soriano ay 2,000 years old o ang Enuma Elish at Epic of Gilgamesh na 4,000 years old na ayon sa British Musuem (basahin ang entry sa Wikipedia dito at dito para sa karagdagang kaalaman. Kung gusto niyo ng karagdagang inpormasyon tungkol sa pag-aaral sa panggagaya ng mga Hebreo sa kwento ng mga Akkadians at Sumerians, magpunta lang sa pahinang ito.)

Heto pa ang mga sinabi ni Bro. Eli Soriano tungkol sa Bibliya:

‘Yan, kung gusto mong makita kapatid, ‘yan ay nasa John Rylands Library sa Manchester, England. ‘Yan ay 120 to 150 CE ang edad niyan. So humigit-kumulang na sa mga dalawang libong taon na ang manuscript na ‘yan. Hawak natin ‘yan sa mundo. Humanity has the record. Ngayon we will go back to some epoch of time, napuntahan ko ‘yong sa British Library, nakita ko ‘yong isa sa mga kopya ng tinatawag na Codex Sinaiticus that was written in the 4th century, ikaapat na siglo.

Sa nabanggit ko na, walang saysay ang pagkakaroon ng lumang kopya ng Bibliya sa kahit saan mang museo. Kung tutuusin, kung gagamitin natin ang pangangatwiran ni Bro. Eli Soriano, walang binatbat ang kanyang Codex Sinaiticus sa Enuma Elish at Epic of Gilgamesh.Kung gusto niya makita ang tableta (take note, hindi lang ito pergamino o ano mang papel kundi tableta, gawa sa luwad, tanda ito na ginawa ang mga dokumentong ito noong mga panahon na hindi pa uso ang papel).

Nandoon ako, tinitingnan ko ng personal ‘yong tinatawag na Codex Sinaiticus. Kopya ng Bibliya ‘yan, na nasa British Library ngayon. And that is open to the investigation of all atheists. If anybody, if by chance any atheists will not believe, that is open for investigation. It is in British Museum.
Kahit ang kanyang pagpunta doon personally sa museo ay wala ding saysay sa kanyang argumento, dahil wala naman itong naitutulong sa kanyang ipinaglalaban na totoo ang diyos. Ano ngayon kung nakita niya ng personal ang dokumento? Nakadagdag ba ito sa pagiging totoo sa mga nakasulat sa naturang papel na Codex Sinaiticus? Hindi. Liban pa hindi naman siya nakakabasa ng Greyigo o dumaan sa mga training sa pagsusuri ng mga lumang bagay para magkaroon ng saysay ang opinion niya tungkol sa edad o halaga ng dokumento.

Ano ang ibig kong sabihin bakit ko sinasabi ito kapatid ano? Pinapatunayan ko lang na ‘yong kopya ng Bibliya hindi ‘yan ginawa ngayon ang Bibliya. Existed for the last 3600 years of human history. The Bible was written as far back as 3600 years and the latest manuscripts of the Bible were written about 2000 years ago, and that was the book of Revelation and the book of John.
Nakita niyo, ang pangangatwirang ito ni Bro. Eli Soriano ay walang saysay. Kung mahalaga at totoo ang mga nakasulat sa Bibliya dahil luma ito at hindi lang sinulat ngayon, mas mahalaga at totoo pa ang mga nakasulat sa clay tablet ng Enuma Elish at Epic of Gilgamesh. Kung gagamitin natin ang pangangatuwiran niya, mas maniniwala pa ako sa mga kwento ng mga Sumerians at Akkadians kesa sa mga sinulat ng mga Hebreo dahil sila ang orihinal. Ang mga Hebreo ay huli na at nanggaya lang.

Magkikita ulit tayo sa susunod na sulat ko. ‘Wag tumigil sa pag-usisa at tanungin ang lahat ng bagay.

— Hrafnkell Han

Latest Articles