Page Nav

HIDE

Grid

GRID_STYLE

Latest Posts:

latest

Ang Diyos Na Hindi Nagkakamali

Sagot sa video ni Bro. Eli Soriano "Analyzing Richard Dawkins (What If Your Wrong)" | English Sa isa ...

Sagot sa video ni Bro. Eli Soriano
"Analyzing Richard Dawkins (What If Your Wrong)"

| English

Sa isa mga videos niya ay sinabi ni Bro. Eli Soriano na hindi daw nagkakamali ang Diyos. Kung iisipin nating mabuti, ang tanong agad na papasok sa isipan natin ay, paano nalaman ni Bro. Eli na ang Diyos niya ay hindi nagkakamali? Unang-una, hindi niya nakilala ang Diyos niya o nakasama man lang at nakausap. Pangalawa, hindi pa niya ito napapatunayan na totoo. Lahat ng alam niya tungkol sa diyos na ito ay nagmula lamang sa isang aklat. Ang aklat na Bibliya.

Pero hayaan na natin at alang-alang lang sa argumento, suriin natin ang claim niyang “Ang Diyos ay hindi nagkakamali”. Ito ang sinabi niya,

... I am saddened to hear the answer. Actually, it is not an answer, it’s an escape. But I want you to take note that, why if you are wrong? How if you are wrong? Because it was the question asked to him. And he answered saying that, “Anybody could be wrong”. Practically, what follows next is not anymore very much reliable, because he practically had admitted that he can be wrong. Because anybody can be wrong. But that is misleading. Not anybody can be wrong. I know of someone who can’t be wrong. And that is the God of the Bible. The God whom he does not believe. In Titus 1:2 it says, In hope of eternal life, which God, that cannot lie, promised before the world began… You see, He is a God that cannot Lie. He cannot be wrong. And how can I prove that He can’t be wrong? He prophesied two thousand years ago, the emergence of pestilences. And he is certainly telling the truth. He said in Matthew 24:6 that, ye shall hear of wars and rumors of wars: see that ye be not troubled: for all these things must come to pass, but the end is not yet. For nations shall rise against nation, and kingdom against kingdom: and there shall be famines, and pestilences, and earthquakes, in divers places. All these are the beginning of sorrows. This is what God said two thousand years ago. There will be wars, rumors of wars, pestilences, and there will be famines, and earthquakes. Who in that two thousand years ago, in the abundance of food, in the abundance of the resources of the earth, can imagine that there will be famine and pestilences, and great earthquakes in divers places. But what God said two thousand years ago is definitely the truth. So there is an authority that cannot be wrong and that is God...
Bro. Eli Soriano

Heto tayo bilang mga mapagpanuri at ang hanap natin ay kaalaman, hindi paniniwala. Dahil aanhin natin ang paniniwala kung hindi naman nakabase sa realidad? (Ano ba ang realidad? At paano natin malalaman kung ano ang totoo? Basahin ang pahinang ito para sa karagdagang inpormasyon.) Suriin natin ang mga sinabi ni Bro. Eli Soriano ng isa-isa.

... I am saddened to hear the answer. Actually, it is not an answer, it’s an escape. But I want you to take note that, why if you are wrong? How if you are wrong? Because it was the question asked to him.

Itong bahagi ay nasagot na natin sa naunang post (basahin sa pahinang ito).

And he answered saying that, “Anybody could be wrong”. Practically, what follows next is not anymore very much reliable, because he practically had admitted that he can be wrong. Because anybody can be wrong.

Oo, kahit sino maaring magkamali. Kahit mga siyentista pa man o mga guro at mga may PhD.

At kung nabasa ninyo ang sinulat ko na “Paano Kung Ikaw Ay Mali?”, alam mo na kung gaano kahalaga ang i-base sa siyensiya at ebidensiya ang mga paniniwala natin. Lilinawin ko, ang siyensiya o agham ay hindi doktrina o credo katulad ng sa mga relihiyon. Kundi, ito ay isang proseso, kagaya ng isang recipe, na susundin mo ang mga hakbang para sa pagluluto ng paborito mong ulam. Kung gusto mong maintindihan ang realidad o bahagi nito, kung ano man ito, susundin mo ang recipe o proseso na ating tinatawag na agham. (Kung gusto ninyo ng karagdagang kaalaman tungkol sa siyensiya, basahin lamang ang pahinang ito.)

Ang Bibliya mismo ay nagsabi na ang bawat tao ay sinungaling, liban lang sa diyos.

oo, bagkus pa nga ang Dios ay tapat, datapuwa't ang bawa't tao'y sinungaling
Roma 3:4
ang lahat ng alam natin tungkol sa diyos ay sa Bibliya lang galing, kung saan sinulat lang din ng tao, ibig sabihin ay walang basehan para maniwala tayo sa kwento na may diyos. Sa susunod na bahagi ng pahinang ito ay patutunayan nating hindi mapagkakatiwalaan ang Bibliya, at samakatuwid, ang diyos ni Bro. Eli.

But that is misleading. Not anybody can be wrong. I know of someone who can’t be wrong. And that is the God of the Bible. The God whom he does not believe.

Hindi na nakakapagtaka kung paano nalaman ni Bro. Eli Soriano na hindi nagkakamali ang diyos niya. Dahil nabasa niya ito sa Bibliya.

In Titus 1:2 it says, In hope of eternal life, which God, that cannot lie, promised before the world began… You see, He is a God that cannot lie. He cannot be wrong.

Alin ba talaga, hindi nagkakamali o hindi nagsisinungaling? Pero yamang si Bro. Eli Soriano ay mahilig sa Bibliya, laruin natin ang laro niya. Magbabasa din tayo ng mga bersikulo na mula din sa aklat at patunayan na nagkakamali ang Diyos. Ginagamit ni Bro. Eli ang Bibliya para patunayan na hindi nagkakamali o nagsisinungaling ang diyos niya. Iyon din na aklat ang gagamitin natin upang patunayan naman na nagkakamali ang Diyos at sinungaling. Ang isang aklat na maaaring gamitin para patunayan na sinungaling at hindi nagsisinungaling ang isang tao ay hindi mapagkakatiwalaan. At dito ay ipapakita natin na ang Bibliya ay magagamit din na patunay na nagkakamali at nagsisinungaling ang Diyos. Sa unang aklat ng Bibliya, sa Genesis 2:17, sinabi ng Diyos kay Adam na,

“sapagka't sa araw na ikaw ay kumain niyaon ay walang pagsalang mamamatay ka.”

Maya-maya kumain si Adan ayon sa Genesis 3:6. Kung mataas ang marka natin sa reading comprehension, maiintindihan natin na ayon sa Genesis 2:17, mamamatay si Adan sa araw na kumain siya ng bunga. Namatay ba siya kagaya ng sinabi ng Diyos? Ayon sa Genesis 5:5, nabuhay pa si Adan at tumanda hanggang sa siyam na raan at tatlong pung taong gulang. Ang ibig sabihin nito, nagsinungaling ang Diyos, o kaya ang kalidad ng kwento ng Bibliya ay hindi papasa sa pamantayan ng editoryal ngayon.

Sa Genesis 4:11-12, sinumpa ng Diyos si Cain na maging palaboy at hampas-lupa,

At ngayo'y sinumpa ka sa lupa na siyang nagbuka ng bibig na tumanggap sa iyong kamay ng dugo ng iyong kapatid;
Pagbubukid mo ng lupa, ay di na ibibigay mula ngayon sa iyo ang kaniyang lakas; ikaw ay magiging palaboy at hampas-lupa sa lupa.
Pero sa bersikulo 17, nag-asawa pa ito at nagtayo ng isang bayan. May palaboy ba at hampas-lupa na may sariling bayan?
At nakilala ni Cain ang kaniyang asawa, at siya'y naglihi at ipinanganak si Enoc: at siya'y nagtayo ng isang bayan at tinawag ang bayan ayon sa pangalan ng kaniyang anak, Enoc
Kung ganon pala, ako din, gusto kong isumpa ako ng diyos ni Bro. Eli na maging hampas-lupa at palaboy: Ng sa ganon ay magkakaasawa ako, magkaanak, at makakapagtayo ng isang bayan. Itanong kay Bro. Eli, "Ano po ba ang kailangan gawin para isumpa ako ng Diyos na maging palaboy at hampas-lupa. Liban lang po sa papatay ako ng kapatid."

Sa Genesis pa rin tayo. Sa chapter 32:28 at 35:10, pinalitan ng Diyos ang pangalan ni Jacob. Sabi niya na,

Hindi na tatawaging Jacob ang iyong pangalan, kundi Israel”
, at
ang pangalan mo'y hindi na tatawagin pang Jacob kundi Israel ang itatawag sa iyo.
Ngunit sa 46:2, tinawag pa rin siyang “Jacob” ng Diyos. Dito ay malinaw na nagsinungaling ang Diyos.

Sa unang aklat pa lang tayo nagbabasa niyan.

Sabi ni Bro. Eli Soriano, na hindi daw nagkakamali ang Diyos. Sa Genesis 1, ilang beses nakasaad doon na nakita ng Diyos ang ginawa niya na “mabuti” (Genesis 1:10, 12, 18, 21, 25). Pero sa kabanata 6,

At nagsisi ang Panginoon na kaniyang nilalang ang tao sa lupa, at nalumbay sa kaniyang puso At sinabi ng Panginoon, “Lilipulin ko ang tao na aking nilalang sa ibabaw ng lupa; ang tao at gayon din ang hayop, at ang mga umuusad at ang mga ibon sa himpapawid; sapagka't pinagsisisihan ko na aking nilalang sila.”
Paano ka magsisisi kung hindi ka naman nagkakamali? Isa pang mali na ginawa ng Diyos ni Bro. Eli, ay ang paglunod niya sa mga tao. Nilunod niya ang mga tao dahil naging masama ang mga ito, at ang pamilya lang ni Noah ang binuhay niya. Pero bakit may masasama pa rin ngayon? Katulad lang 'yan sa nagkaproblema ka sa buhok mo dahil may mga kuto ka. At ang pinakamagaling mong naisip na solusyon ay lunurin sila ng alcohol. 'Tapos kinabukasan, may mga kuto ka pa rin. Ngunit ang pulo't dulo ng pagkakamali ng diyos ni Bro. Eli ay ang ginawa niya ang mga tao na may kakayahang magkamali, tapos nagreact ng masama nang gumawa ng pagkakamali ang mga ito. Ang masaklap na niyan, dahil alam na niya ('yon ay kung ang diyos ay nakakaalam ng lahat) na magkakamali ang tao. (Basahin ang pahina na ito tungkol Sa “Free Will”)

Sa Genesis 2, binilinan ng Diyos si Adan na huwag kakain sa Kahoy ng Pagkakilala ng Mabuti at Masama kahit alam na niyang kahit anong sabihin niya, kakainin pa rin ito ng tao. At bakit hindi, paano niya malalaman na masama o mabuti ng gagawin niya kung hindi pa niya nakakain ang Kahoy ng Pagkakilala ng Mabuti at Masama? Kanino ang sisi, kayo ang maghusga.

And how can I prove that He can’t be wrong? He prophesied two thousand years ago, the emergence of pestilences. And he is certainly telling the truth. He said in Matthew 24:6 that, ye shall hear of wars and rumors of wars: see that ye be not troubled: for all these things must come to pass, but the end is not yet. For nations shall rise against nation, and kingdom against kingdom: and there shall be famines, and pestilences, and earthquakes, in divers places. All these are the beginning of sorrows. This is what God said two thousand years ago... Who in that two thousand years ago, in the abundance of food, in the abundance of the resources of the earth, can imagine that there will be famine and pestilences, and great earthquakes in divers places. But what God said two thousand years ago is definitely the truth. So there is an authority that cannot be wrong and that is God...

Sa tingin ko hindi ko na siguro ito kailangan pang pabulaan at ipaliwanag na hindi ito propesiya. Dahil dati pa, libo-libong taon bago pa nabuhay ang mga sumulat ng Bibliya, libo-libong taon bago pa umano nabuhay si Hesus Kristo sa mundo at nagsabi nitong "hula", ay may mga giyera na. May mga digmaan, may mga taggutom at mga lindol na ang nangyayari. Kung bakit namangha ng labis si Bro. Eli sa ganitong pahayag ay hindi ko na alam. Bakit, bago ba ito sinabi ni Hesus Kristo ay wala pang nangyaring digmaan at taggutom? Na namangha si Bro. Eli dahil nahulaan daw ng Diyos na may mga digmaan at mga lindol na mangyayari. Kahit hindi na natin tingnan sa kasaysayan, at doon na lang tayo tumingin sa paborito niyang aklat sa bahagi ng Lumang Tipan, ay may mababasa na tayong mga digmaan, lindol, at taggutom. Ang pagsasabi ng mga nakaraang pangyayari gamit ang panghinaharap (future tense) ay hindi hula at hindi kamangha-mangha. Magagawa 'yan ng kahit sino. Heto ang hula ko.

Propesiya

Si Bro. Eli Soriano ay magtatangkang pabulaanan ang teoryang Big Bang. Sasabihin niyang istupido ang nabanggit na teorya dahil ito daw ay nagsabi na ang wala ay nagpasyang magkumpulan at sumabog.

Hrafnkell, Mockingjays Are Just Curious

Ayan, nagsabi ako ng hula. Nangyari ba? Kung mangyayari ba ito, ibig bang sabihin ay authority that cannot be wrong na ako?

Sa pagtatapos, napatunayan natin ayon sa aklat ng Genesis na nagsinungaling at nagkamali ang Diyos ni Bro. Eli. Kung may panahon pa ako, susubukan kung mapag-aralan pa natin ng maigi kung bakit ang Bibliya, ang tanging ebidensiya ng mga relihiyosong ministro na may diyos, ay isang karaniwang aklat lamang na naglalaman ng mga maling impormasyon, magkasalungat sa sarili, at mga kadumal-dumal na mga gawa at turo. Sa susunod naman, hindi lang sa Genesis tayo magbabasa, kundi sa iba pang bahagi.

Magkikita ulit tayo sa susunod na sulat ko. ‘Wag tumigil sa pag-usisa at tanungin ang lahat ng bagay.

— Hrafnkell Han

Latest Articles