Sagot sa blog ni Bro. Eli Soriano Na "A Scientific Way of Discovering Biblical Truth" | English ...
Ang Bibliya ay isa lamang sa mga napakaraming kwentong alamat sa mundo na gawa ng tao. Kung mayroon mang pinagkaiba ang Bibliya sa ibang mga alamat, iyon ay ang alamat na ito ang pinaniniwalaan ng maraming tao sa kasalukuyan bilang totoo. Pero sa usaping katotohanan, wala itong pinagkaiba. Kung tutuusin, ginaya lang ang mga kwento ng Bibliya tungkol sa pinagmulan ng mundo at tao sa mga mas nauna pang mga alamat kagaya ng Enuma Elish.
Nagtanong si Bro. Eli Soriano sa isa sa mga blog post niya,
But who is Brother Eli in the religious realm of the present dispensation? Can he be somebody in comparison with religious leaders of this world today? Let us investigate this matter in a scientifically biblical manner.At sa mga sumunod na mga talata ay ipinaliwanag niya sa pamamagitan ng pagbibigay kahulugan sa mga bersikulo at mga mapa ng Pilipinas.
Walang mali kung gustong maniwala ni Bro. Eli Soriano na ang ministeryo niya ay nasa Bibliya. Wala ding mali kung gusto niya itong ituro sa mga tagapakinig at tagabasa niya. Ano mang paniniwala ng tao, nasa kanya 'yon. Ano bang magiging problema kung ang tao ay gustong maniwala sa kung anong gusto niyang paniwalaan? 'Di ba wala? 'Di bale na ang mga ISIS at mga magulang na ayaw pabakunahan o ipagamot ang mga anak nila dahil sa mga paniniwala nila *sarcasm*.
May totoong pinsalang naidudulot kapag ang mga paniniwala natin ay hindi naa-ayon sa kung ano ang realidad. Hindi man natin alam objectively kung ano ang realidad lampas sa nakikita, naririnig, at nararamdaman natin, hindi na ito mahalaga. At kahit ano man ang realidad, magagawan natin ito ng huwaran o modelo base sa mga obserbasyong makakalap natin sa pamamagitan ng pagsusuri at pagsusubok ng mga bagay, hindi 'yong ibabase natin sa kung ano lang ang nakasulat sa ano mang aklat na walang gagawing pagsubok at demonstrasyon.
- Ano ang siyensiya? Alam ba ng siyensiya ang lahat?
- Paano natin malalaman ang katotohanan at realidad?
- Alin ang mas mahalaga sa pagtuklas ng katotohanan: Bibliya o siyensiya?
Ang mali sa pahayag ni Bro. Eli Soriano ay nang mag-angkin siya na ito ay paraang siyentipiko. Dahil sa oras na sabihin niya na ang paraan niyang ginamit upang malamang tama ang alin mang ideya niyang siya ay sugo ng diyos ay maka-agham, ay nasa poder na siya ng kritisismo ng katwiran. Ngayon, suriin natin ang pag-angkin niya.
Maka-agham ba ang paraang ginamit ni Bro. Eli Soriano sa pagsuri niya na siya ay sugo ng diyos ayon sa Bibliya at sa paraang maka-agham?
Ayon sa Bibliya
Ito ang sabi ni Bro. Eli Soriano tungkol sa sarili niya at ang sinabi sa aklat ng Zechariah,
I am an easterner… a Filipino. Geographically, the Philippines is a part of the east. Biblical prophecies speak of the east.(Zechariah 8:7) “Thus saith the LORD of hosts; Behold, I will save my people from the east country, and from the west country…”The prophecy is not confined only to countries east of the center of biblical direction or reckoning point, (Jerusalem), but also speaks of east in the geographical sense.
Pansinin ninyo na maginhawang ipinagwalang-balaha ni Bro. Eli ang bahagi na "and from the west country". Pinipili lang niya ng mga bahagi ng bersikulo na umaayon sa napagpasyahan niyang konklusyon. Ang mga bersikulong ginamit niya ay pawang hindi maliwanag, at maaari mong bigyan ng maraming kahulugan sa maraming paraan. Ang propesiya ay hindi pahayag na may maraming pwedeng kahulugan, dahil 'pagka ganon ay wala na itong kwenta. Tingnan natin ang isa pang bersikulong ginamit niya.
For I know their works and their thoughts: it shall come, that I will gather all nations and tongues; and they shall come, and see my glory. And I will set a sign among them, and I will send those that escape of them unto the nations, to Tarshish, Pul, and Lud, that draw the bow, to Tubal, and Javan, to the isles afar off, that have not heard my fame, neither have seen my glory; and they shall declare my glory among the Gentiles.Sabihin na nating kasama ang Pilipinas sa sinasabi ng bersikulo sa Isaias. Tanungin natin ang ating sarili, paano ba nakarating ang Bibliya, ang salita ng diyos, sa mga isla ng Pilipinas? Sa pamamagitan ba ni Eli Soriano? Hindi. Kinalimutan ni Bro. Eli ang kasaysayan na ang Romano Katoliko ang nagdala ng Bibliya sa bansa natin. Kung susundan natin ang daloy ng argumento ni Bro. Eli Soriano, itong bersikulo mismo ang nagsasabi na ang Romano Katoliko ang siyang tinutukoy, hindi siya. Dahil huli na si Bro. Soriano ng ilang siglo. Nakigamit na lamang siya ng Bibliya na dala ng mga Kastilang Katoliko. Malamang hindi ito si Bro. Eli Soriano, kahit ano pang sayaw at lundag ang gawin niya magkasya lang siya sa bersikulong ito.
As to the manner of God’s calling, my people are qualified to be possible fulfilment of the prophecies. (1 Corinthians 1:26-29) “For ye see your calling, brethren, how that not many wise men after the flesh, not many mighty, not many noble, are called: But God hath chosen the foolish things of the world to confound the wise; and God hath chosen the weak things of the world to confound the things which are mighty; And base things of the world, and things which are despised, hath God chosen, yea, and things which are not, to bring to naught things that are: That no flesh should glory in his presence.”
Posible din na ang ibig sabihin ng sipi na ito ay ang Romano Katoliko. Ngayon, gumamit ulit si Bro. Eli ng bersikulo na maaaring bigyan ng hindi isa, kundi maraming kahulugan. Hindi ito propesiya. Wala itong napapatunayan na kahit na ano. Ang bersikulong ito ay maaaring gamitin ng kahit alin man sa mahigit 30,000 na iba-ibang sekta ng Kristiyanimo. Hindi lang ang kanyang sariling sekta na "Ang Dating Daan".
I have an open mind and heart. If there is anybody in this dispensation who knows better than what I have known, I am willing to be subjected to him and help him labor for the glory of the God of Israel.
Kung totoong open-minded si Bro. Eli, tinanong ba niya ang sarili niya kung bakit siya naniniwala sa aklat na binuo ng Iglesya Romano Katolika at dinala sa bansang Pilipinas tatlong siglo na ang nakaraan? Tinanong ba niya ang sarili sa posibilidad na ang aklat na ito ay pawang kwento lamang na walang basehan?
Ayon sa Siyensiya
Kung ibabase natin sa siyensiya, hindi maka-agham ang paraan ni Bro. Eli Soriano. Sa agham, una muna ang tanong, tapos magsuri at magkolekta ng mg datos bago ang konklusyon. Kay Bro. Eli, baliktad ang nangyari. May konklusyon na siya na siya ay hinula ng Bibliya, tapos naghanap siya ng mga bersikulo na tugma sa konklusiyon niya. Sa agham, mayroon tayong tinatawag na "falsifiability". Ito ay ang kakayahan ng isang payahag o ideya na mapasinungalingan. Kung ang isang pahayag ay hindi mapapasinungalingan, hindi ito makaagham. Dahil sa agham, lahat ng bagay ay dapat nasasailalim sa pagsusuri at napapabulaanan. Ngayon, may inalok ba si Bro. Eli na mga paraan kung paano papabulaanan ang mga ideya niya? Wala. Isa pangAng ginawa lang niya ay nagsimula siya sa konklusyon, at naghanap ng mga bersikulo (mga bersikulo!) na sasang-ayon sa konklusyon niya.
Nakakapagtaka lang itong gawi ng mga relihiyosong ministro na tuwing may gusto silang patunayang tama, ay gagamit sila kunyari ng mga salitang "siyensiya" at "lohikal". Hindi nila alam na ang mga dogma nila at kredo ay salungat sa prinsipyo ng siyensiya, at salungat sa prinsipyo ng lohika at matinong katwiran.
Magkikita ulit tayo sa susunod na sulat ko. ‘Wag tumigil sa pag-usisa at tanungin ang lahat ng bagay.