Ang Lohika Bilang Alituntunin Ng Tamang Pangangatwiran | English Ano Ang Lohika? ...
- Ano Ang Lohika?
- Mga Tao Bilang Mga Lohikal Na Nilalang
- Depinasyon
- Mga Klase ng Lohika
- Mga Cognitive Illusions at Biases
- Mga Logical Paradoxes at Self-Reference
- Mga Gamit ng Lohika
- Mga Depinasyon ng mga Kataga
- Proposisyon
- Mga Klase ng Proposisyon
- Analytic na proposisyon
- Synthetic na proposisyon
- Truth Assignment
- Rationalism
- Empiricism
- Pragmaticism
- Mga Klase ng Proposisyon
- Argumento
- Mga Klase ng Argumento
- Deductive na argumento
- Inductive na argumento
- Abductive na argumento
- Mga Logical Fallacies
- Mga Klase ng Argumento
- Proposisyon
Ano Ang Lohika?
Mga Tao Bilang Mga Lohikal Na Nilalang
Totoo bang ang mga tao ay sadya o likas na lohikal na mag-isip? Para sa akin, hindi ito totoo. Siguro may kaunting ideya tayo sa pagiging lohikal nang matuto tayong magsalita, dahil nakakabit sa ating wika ang lohika. Kagaya sa kung paano pinamamahalaan ng grammar ang daloy ng mga salita sa pangungusap, ang lohika naman kung baga ay siyang namamahala sa daloy ng mga pangungusap sa argumento. Kung likas na sa ating mga tao ang mangatwiran sa lohikal na paraan, bakit madalas at madali sa atin ang mangatwiran ng mali ? Bagkus, mas masasabi pa nga natin sigurong likas na sa atin na mangatwiran ng mali. Ang mismong pagkakaroon ng maraming logical fallacies, cognitive illusions at cognitive biases, at ang dali nating mahulog sa mga maling katwiran at sa mga manlolokong nang-aabuso nito ay palatandaan lang na salungat sa sinasabi ng iba, talagang pinanganak tayong hindi lohikal mag-isip.
Sa kabutihang-palad, ang lohika ay napag-aaralan, at nagagawa nating sanayin ang ating isipan na maging lohikal at iyan ang ating layunin ngayon dito. Sabay nating pag-aralan ang paksa tungkol sa lohika (logic): kung ano ito, saan ito nagmula at paano nabuo, at ang mga pagbabago simula sa pagkabuo nito hanggang sa kasalukuyan.
Depinasyon
Maraming mga depinasyon mayroon ang lohika, at may maraming uri din ito. Para sa ating layunin (na pag-aralan ang lohika sa payak at madaling maunawaan na paraan), ang lohika ay ang sistema o pag-aaral sa pagsusuri at pagkilala ng tama at maling pangangatwiran.
Ito ang ilang mga depinasyon na ibinigay ng ilang mga aklat tungkol sa lohika:
Logic may be defined as the organized body of knowledge, or science, that evaluates arguments.
Logic is the study of the methods and principles used to distinguish correct from incorrect reasoning.
For the purposes of this course, logic is the study of rational argumentation.
Logic is defined as the study of the principles of reasoning.
Logic is the analysis and appraisal of arguments. When you do logic, you try to clarify reasoning and separate good from bad reasoning.
Mga Klase Ng Lohika
Salungat sa mga sinasabi ng iba na unibersal daw ang lohika, mayroong iba-ibang klase ng lohika. Ang mga sumusunod ay ilan sa mga uri ng lohika na inimbento ng tao. Kasama na dito ay ang mga klase ng lohika na salungat sa tinatawag na "laws of thought" o "laws of logic":
Syllogistic Logic
Syllogistic logic studies arguments whose validity depends on “all,” “no,” “some,” and similar notions. This branch of logic, which was the first to be developed, goes back to Aristotle
Propositional Logic
Propositional logic studies arguments whose validity depends on “if-then,” “and,” “or,” “not,” and similar notions.
Quantificational Logic
Quantificational logic builds on propositional logic and studies arguments whose validity depends on “all,” “no,” “some,” and similar notions.
Modal Logic
Modal logic studies arguments whose validity depends on “necessary,” “possible,” and similar notions.
Deontic
Deontic logic studies arguments whose validity depends on “ought,” “permissible,” and similar notions.
Imperative Logic
Imperative logic studies arguments with imperatives, like “Don’t do this.”
Belief Logic
Belief logic is “logic” in an extended sense. Instead of studying what follows from what, our belief logic studies patterns of consistent believing and willing; it generates consistency norms that prescribe that we be consistent in various ways.
Deviant Logics
Ito ang klase ng mga lohika na sumasalungat sa mga tinatawag na "laws of logic". Ang lohika ay sistema lamang na ginawa natin para maging maayos ang ating mga ideya at isipan. Kung hindi tayo susunod sa mga alituntunin ng lohika, walang magyayaring masama liban lang sa hindi ka mauunawaan ng maayos dahil sa iyong pagiging hindi lohikal. Hindi ka lulutang sa space o biglang sasabog sa kawalan at hinding-hindi mawawasak ang universe dahil hindi mo sinunod ang "aws of logic".
Many-valued logic
Ang many-valued logic katulad ng ternary logic at fuzzy logic ay hindi sumusunod sa "law of excluded middle".
Paraconsistent logic
Ito ang klase ng lohika na hindi sumusunod sa law of noncontradiction.
intuitionist logic
...
Relevance logic
...
Mga Cognitive Illusions at Biases
...
Mga Logical Paradoxes at Self-reference
...
Mga Gamit ng Lohika
Maraming silbi ang lohika. Ginagamit natin ito tuwing hihingi ng dagdag na baon sa nanay o sa pagpapaliwanag sa ating amo kung bakit sa tingin natin ay karapat-dapat tayo i-promote o dagdagan ng sahod. Ginagamit ito ng mga salesman para kumbinsihin tayong bilhin ang binebenta niyang libro. Ginagamit ito ng mga politiko sa pagbilog ng mga tao at ng mga abogado sa pagbilog ng husgado. Napakalawak ng nasasakupan at napakadaming pinaggagamitan ng lohika. Ginagamit ito kahit sa simpleng pakikipagtalastasan lang hanggang sa pagdisenyo ng logic gates ng computer processors. Ginagamit ang lohika sa mathematics, computer science, artificial intelligence, linguistics, social sciences, at economics. Ang lohika ay ginagamit sa pagbuo ng mga formal languages.
Tayo naman, pag-aaralan natin ang lohika bilang kasangkapan sa pagsusuri ng mga claims at argumento, at sa pagsusuri at pagbibigay-katwiran sa ating mga paniniwala. Gagamitin natin ito sa pagsusuri ng ating kaalaman, paniniwala at sa pilosopiya para maging tama at maging internally consistent (o sa ibang salita, walang kontradiksyon o pagsalungat) sa ating mga ideya at katwiran. Ang lohika ay hindi ginagamit sa paggawa ng mga bagong impormasyon, kundi sa paghinuha ng mga impormasyon mula sa ating kaalaman at paniniwala. Maya-maya, malalaman natin na walang bagong impormasyon na mabubuo gamit ang lohika, kundi ang mga impormasyon sa konklusyon ay galing lang din sa mga premises. Kung baga, ang konklusyon ay ang mga premise lang din na iniba ng ayos. Ito ang dahilan kung bakit ang lohika ay nasasabi na nagbibigay ng 100% na totoong konklusyon.
Mga Depinasyon ng mga Kataga sa Lohika
Sa ating pagsimula sa pag-aaral ng lohika at tamang pangangatwiran, kilalanin muna natin ang ilang mga kataga o terms na madalas ginagamit sa paksa. Hindi ito mahirap. Kung naiintindihan ko ito, sigurado maiintindihan niyo din at pagkatapos ng pahinang ito, mayroon na tayong sapat na kaalaman kung paano mangatwiran sa lohikal na paraan.
Proposisyon
A proposition is a sentence that can be assigned a truth value: true or false.
Mga Klase Ng Proposisyon
Analytic na proposisyon
Lahat ng binata ay walang asawa.
Ang katotohanan ng proposisyon na ito ay malalaman lang din natin sa mismong ibig sabihin nito, at hindi sa pagkakalap ng impormasyon sa mundo labas ng isipan natin. Ito ang ibig sabihin ng analytic na proposisyon.
Iba pang halimbawa ng analytic proposition:
- Ang lahat ng tatsulok ay may tatlong tagiliran.
- 2 + 2 = 4
Ito ang tinatawag na analytic proposition. Ang mga analytic na proposisyon ay mga proposisyon na ang katotohanan ay nalalaman batay sa kahulugan ng mga salitang ginamit, at nasusuri batay sa mga axioms (e.g., ng set theory, kung saan ginagamit ito sa pag-define ng mga bagay tulad ng numero), at mga paghihinuha sa pamamagitan ng deduction.
Synthetic na proposisyon
...
Truth Assignments
...
Rationalism
...
Empiricism
...
Pragmaticism
...
Argumento
Magsimula tayo sa argumento. Sa bawat pangangatwiran ay may katumbas na argumento. Sa lohika, ang argumento (argument) ay technical na salita na may kahulugan. Hindi ito ang ginagawa ng mag-asawa tuwing uuwi ang lalaki na lasing. Ito ang ilan sa mga depinasyong makikita sa mga aklat ng lohika:
...argument, in its simplest form, is a group of statements, one or more of which (the premises) are claimed to provide support for, or reasons to believe, one of the others (the conclusion). Every argument may be placed in either of two basic groups: those in which the premises really do support the conclusion and those in which they do not, even though they are claimed to...
In logic, argument refers strictly to any group of propositions of which one is claimed to follow from the others, which are regarded as providing support for the truth of that one. For every possible inference there is a corresponding argument.
Sa lohika, ang argumento ay grupo ng mga pangungusap (propositions o statements) na ang isa ay may iginigiit (o claim) habang ang iba ay sumusuporta sa pangungusap na iginigiit.
Ang argumento ay may at least isang premise at isang conclusion. Ang premise ay ang nagbibigay ng katwiran sa iginigiit. Ang conclusion naman ay ang iginigiit. Mahalagang maintindihan natin ang pagkakaiba ng argumento at proposisyon, at ang pagkakaiba ng premise at konklusyon.
Para maging malinaw, balikan natin ang kahulugan ng argumento. Sa lohika (at pilosopiya), mayroong specific na kahulugan ang salitang argumento. Hindi ito ‘yong ginagawa ng mag-asawa tuwing uuwi ang lalaki na lasing o may kinatagpo na ibang babae. Ang argumento na gusto nating malaman ay ang binubuo nating pangangatwiran sa pagtatangka nating kumbinsihin ang ating kausap o sarili sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga katwiran para tanggapin ang konklusyon.
- Ang utak ng tao ay katulad ng sa computer.
- Ang computer ay ginawa ng may-isip.
- Samakatuwid, ang utak ng tao ay ginawa din ng may-isip.
- Samakatuwid, ang gumawa ng utak ng tao ay ang diyos.
Kung nahalata mo ang kamalian sa argumento na ito, may alam ka na kung ano ang lohika. Kung hindi, ang argumento na ito ay sinusubukang patunayan na mayroong diyos sa pamamagitan ng analogy (pagkakatulad o pagkakahawig) pero ang ginamit na analogy ay masyadong magkaiba kaya hindi ito epektibo. Tinatawag itong "weak analogy" o "false/faulty analogy". Ang false analogy ay isang uri ng logical fallacy.
Mga Klase ng Argumento
Deductive na argumento
- Lahat ng binata ay walang asawa.
- Juan ay binata.
- Si Juan ay walang asawa.
Ang argumento sa itaas ay mayroong 100% na totoong konklusyon (C) dahil ang pagtukoy kay Juan na isang "binata" sa premise (B) ay nangangahulugang "walang asawa", ayon sa premise (A). Bakit "walang asawa" ang ibig sabihin ng salitang "binata"? Dahil 'yon ang ibinigay nating kahulugan sa salitang "binata". Malaya tayong magbigay ng mga kahulugan ayon sa gusto natin. Walang awtoridad sa pagpapasya kung ano ang magiging kahulugan sa mga salitang ginagamit natin. Kahit sino ay pwedeng gumawa ng salita at magbigay ng kahulugan nito. Ang kailangan lang ay tanggapin at gamitin din ito ng ibang tao. Bakit? Para magkaintindihan. Dahil 'yon naman talaga ang layunin ng wika. At dahil binigyan natin ng kahulugan na "walang asawa" ang salitang "binata", ang konklusyon na "Si Juan ay walang asawa" ay 100% totoo. Hindi dahil sa pinakitaan tayo ng CENOMAR ni Juan o inimbestigahan natin ang buhay niya, kundi dahil ang konklusyon ay hinango sa premise. Sa halimbawa na ito, ang katotohanan ng proposisyon sa (A) ay nakapaloob lang mismo sa kahulugan nito, na kung inyong naalala, ay ang klase ng proposisyon na tinatawag na analytic.
- Lahat ng tao ay may kamatayan.
- Si Juan ay may kamatayan.
- Sa makatuwid, Si Juan ay may kamatayan.
Sa ating halimbawa sa itaas, mapapansin natin na nagsimula sa pangkalahatan ang argumento (lahat ng tao), at pumunta sa specific na bahagi mula sa kalahatan (Si Juan ay bahagi ng pangkat o set na tinatawag na "tao"). Ito ay ang pangangatwiran na tinatawag na deductive reasoning. Ang ginigiit (na si Juan ay may kamatayan) ay galing sa mga premises. Sa ganitong pangangatwiran, kung totoo ang mga premises, imposible na hindi magiging totoo ang konklusyon. Tinatawag itong balido (valid) ng mga logicians. Dapat nating maintindihan na ang layunin ng lohika ay ang pag-unawa ng pagiging balido (valid) ng mga argumento. Sa pagiging balido o hindi balido ng isang argumento, walang kaugnayan ang katotohanan ng mga premises. Ito ay ipinagpalagay na. Tingnan natin ang halimbawa na ito:
- Lahat ng asdasd ay qweqwe.
- Ang zxczxc ay asdasd.
- Ergo*, ang zxczxc ay qweqwe.
*Dito, ang salitang ergo ay nangangahulugang “samakatuwid”.
Ang argumento na ito ay balido, o deductively valid. Ibig sabihin, sumusunod ito sa mga alituntunin ng lohika, i.e., kung paano ang daloy ng mga pangungusap sa argumento. kaya matatawag itong “logical”, kahit na hindi natin alam kung ano ang “asdasd”, “qweqwe”, at “zxczxc”.
Sa katunayan, pwede nating suriin ang pagiging balido o validity ng argumento sa pamamagitan ng pagpapalit ng mga pangungusap/ (propositions) o kaya premises ng simbolo. Ang kailangan lang natin gawin ay suriin ang porma ng argumento. Gawin natin ‘yan. Gamitin natin ang Halimbawa #2:
- Lahat ng binata ay walang asawa.
- Si Juan ay binata.
- Si Juan ay walang asawa.
Gawin nating mga letra ang mga bahagi ng mga pangungusap sa halimbawa.
- = “binata”
- = “walang asawa”
- = “Juan”
Ang halimbawa sa itaas ay magiging ganito:
- Lahat ng A ay B
- Si C ay A.
- Si C ay B.
Ang pangangatwiran na ito ay tinatawag ng mga logicians na deductively valid. Kahit na anong salita ang ipalit natin sa A, B, at C, magiging balido ang argumento mo. Sa ibang salita, kung totoo ang A at B, imposibleng hindi din totoo ang konklusiyon.
Ito din ang tinatawag na pormal na pangangatwiran (formal logic). Sa pangangatwiran na ito, nasa porma ng mga proposisyon nakasalalay ang katotohanan ng konklusiyon. Dapat din nating tandaan na ang deductive na lohika ay hindi ginagamit sa paggawa ng katotohanan. Ang layunin ng deductive logic ay upang ipreserba ang katotohanan ng mga proposisyon sa paghinuha o infer ng konklusiyon. Ibang usapan naman 'yong paano matutukoy ang katotohanan ng isang proposisyon. Ang proseso o mga alituntunin ng pagtukoy ng totoo at hindi totoong proposisyon ay tinatawag na "truth assignment".
Inductive na argumento...
Abductive na argumento...
Mga Logical fallaciesAng mga pangangatwiran o argumento na hindi sumusunod sa mga alituntunin ng kung anong lohikal na sistema na ginagamit (halimbawa, ang ginagamit at pinag-aaralan natin ngayon na lohikal na sistema ay ang tinatawag na propositional logic) ay tinatawag na formal fallacy. Ang formal fallacy sa madaling salita ay ang mga inbalido na argumento. Mayroon namang mga argumento na balido (‘yon ay mga argumento na tama ang porma at kaayusan ng mga premises) pero hindi totoo ang at least isa sa mga premises. Ito naman ang tinatawag na informal fallacy. Kung may isang premise sa argumento na hindi totoo, ang konklusyon ay hindi din totoo.
Ayan, may ideya na tayo kung ano ang lohika, kung ano ang argumento at mga bahagi nito, at kung ano ang deductive logic. Tingnan natin ang mga sumusunod na halimbawa at aating talakayin sa susunod na mga pahina.
- Mahilig maglakad sa buhangin si nanay.
- May buhangin sa dalampasigan.
- Samakatuwid, magandang lagyan ng buhangin ang aming sahig.
Sa tingin ninyo, TAMA o MALI ang pangangatwiran ba ang ginamit sa mga argumentong ito? Bakit?
Hanggang sa muli. Salamat sa pagbabasa at sa pagsabay sa aking pag-aralan ang lohika.